Meralco Avenue sarado ng anim na taon

Meralco Avenue sarado ng anim na taon

October 2, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sarado sa loob ng anim na taon ang Meralco Avenue sa Ortigas, Pasig City upang bigyan daan ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project.

Ayon sa Department of Transportation, magsisimula bukas, Oktubre 3 ang pagsasara ng naturang kalsada kung saan ang mga motorista ay hindi na makakadaan sa northbound at southbound lanes ng Meralco Avenue mula sa tapat ng Capitol Commons hanggang sa kanto ng Shaw Boulevard.

“On Monday, magkakaroon ng groundbreaking, para masimulan na construction sa subway natin, starting dito sa Pasig,” pahayag ni DOTR Secretary Jaime Bautista kasabay ng press conference sa PAMANA Cooperative general assembly nitong Sabado, Oktubre 1.

Abiso naman ng Metropolitan Manila Development Authority, ang mga PUV o public utility vehicle na dadaan sa Meralco Avenue patungong Shaw Boulevard ay maaaring dumaan sa Captain Henry Javier St. patungong Danny Floro Street at pabalik.

Ang mga modernized jeep naman maaaring dumaan sa Dona Julia Vargas Avenue patungong San Miguel Avenue at pabalik.

Parehong ruta rin ang abiso ng MMDA sa UV express vehicles. RNT/JGC