Meralco, GNPower nagkasa ng emergency power deal

Meralco, GNPower nagkasa ng emergency power deal

December 15, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumasok ang Manila Electric Co. (Meralco) sa emergency power supply agreement (EPSA) sa GNPower Dinginin Ltd. matapos ma-terminate ang kontrata nito sa San Miguel Corp. (SMC).

Sinabi ng Meralco na saklaw ng kasunduan nito sa GNPower ang suplay ng 300-megawatt (MW) baseload capacity simula ngayong Huwebes hanggang Enero 25, 2023.

Itinigil ng South Premiere Power Corporation (SPPC) ni Ramong Ang ang pag-supply ng 670-MW capacity sa Meralco matapos magdesisyon ng Court of Appeals na paboran ang order ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibasura ang petisyon ng conglomerate sa mas mataas na singil sa kuryente.

Epektibo ang temporary restraining order sa loob ng 60 araw.

Inihayag ng power distributor na ang kasunduan sa GNpower “will lessen Meralco’s exposure to the Wholesale Electricity Spot Market and in turn partly shield its customers from volatile and potentially higher generation costs.”

“Meralco exhausts all measures to continue supplying its customers with sufficient and reliable power, while mitigating the impact of the TRO to its customers,” dagdag nito. RNT/SA