Meralco: Higit 1M customers apektado ng power interruptions sa bagyong Paeng

Meralco: Higit 1M customers apektado ng power interruptions sa bagyong Paeng

October 30, 2022 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Sabado na nagdulot ang Severe Tropical Storm Paeng ng pansamantalang power interruptions na nakaapekto sa isang milyong kustomer.

Sa abiso, sinabi ng Meralco na nakapagtala ito ng momentary at sustained power interruptions na nakaapekto sa 1,143,499 customers sa lahat ng franchise area nito mula Sabado ng umaga.

“As of 11:00 a.m. today, affected customers are already down to 101,516, majority of them are in parts of Batangas and Quezon and the rest are in parts of Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal and Bulacan,” ayon sa kompanya.

“Our crews are working round the clock to restore power at the soonest possible time,” dagdag nito.

Hinikayat naman ng Meralco ang mga kustomer na iulat ang power outages at iba pang concern sa Facebook at Twitter accounts o sa mga sumusunod na numero: 09209716211 (Smart) at 09175516211 (Globe). RNT/SA