Meralco may bawas-singil ngayong Mayo

Meralco may bawas-singil ngayong Mayo

May 11, 2022 @ 2:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa abiso, bababa nang P0.12 kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kanilang May bill.

Katumbas ito ng P24 bawas-singil para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan.

Nasa P36 ang tapyas sa konsumong 300 kwh; P48 kung 400 kwh; at P60 kung 500 kwh.

Bagama’t tumaas ang generation charge ng P0.35/kwh ay magbabawas ng singil ang Meralco.

Kasunod na rin ito ng utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ngayong buwan ng mahigit P7.7 bilyong refund dahil sa overchanges.

“As a highly regulated entity, Meralco’s rates are constantly being reviewed to make sure they are fair and reasonable,” pahayag ni Atty. Jose Ronald V. Valles, head ng Regulatory Management ng Meralco.

“The immediate implementation of the ERC’s order more than offset the impact of the increase of the generation charge this month, benefitting Meralco customers,” dagdag niya. RNT/ JCM