Meralco tambak sa Ginebra

Meralco tambak sa Ginebra

November 22, 2020 @ 9:26 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Dinomina ng Barangay Ginebra ang laban kontra Meralco Bolts upang makuha ang panalo sa Game 3, 91-84, sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Pinanguhan ni Stanley Pringle ang Ginebra sa panalo kontra Bolts upang makuha ang 2-1 na kartada at lumapit ng isang panalo para sa PBA Finals.

Tinambakan ng Ginebra ang Bolts  ng  halos 25 points sa first half, 37-13, pero nagawang tapyasin ng Meralco ang kalamangan sa halos pitong puntos sa third quarter.

Subalit napanatil  ng Gin Kings ang control sa laro at hindi na lumingon upang mailagay sa bingit ng eliminasyon ang Bolts.

Nanguna sa opensa si Stanley Pringle na may 24 points, 9 rebounds at 6 assists habang sa panig ng Meralco ay kinapos ang  23 points na ikinamada ni  Allein Maliksi.

Magsasagupang muli sa Game 4 ang Ginebra at Bolts sa Miyerkules ganap na 3:30 ng hapon.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...