Meryll, magdidirek na, may hugot kay Kuya Wil!

Meryll, magdidirek na, may hugot kay Kuya Wil!

December 10, 2022 @ 9:22 AM 2 months ago


Manila, Philippines – True to her promise, ipupursige na ni Meryll Soriano ang pagdidirek ng pelikula.

Ito kasi ang itinaga niya sa bato pagtuntong ng 40 anyos.

Meryll turned 40 nitong December 9.

May sampung taon na raw niyang ideya ang pelikulang tumatalakay sa postpartum depression.

Ang tinatawag na postpartum ay nangyayari pagkapanganak ng isang babae.

Kaso, noon daw ay parang walang sumeseryoso sa kanyang minimithing gawin.

Aniya, “Kasi kung hindi ko naman susubukan, paano ko malalaman kung kaya kong magdirek? Sabi ko sa sarili ko, kahit isang pelikula man lang makapagdirek ako.”

May kausap na raw siyang magsusulat ng script, “May mga producer na rin akong willing mamuhunan. Ang maganda rito, willing akong tulungan ng mga nakatrabaho kong direktor.”

Pangarap daw ni Meryll na maidirek ang tiyahin niyang si Maricel Soriano.

“Oo naman. Hello, Maricel Soriano ‘yon, the Diamond Star! Feeling ko naman, pagkakatiwalaan niya ako. At saka sa nakikita ko sa Tita Mary ko, collaborative naman siya.”

Does Meryll see herself directing her dad Willie Revillame?

May bentahe ang aktres lalo pa’t bossing ang kanyang ama sa AllTV, madali siyang mairerekomenda nito to direct a drama anthology kung saka-sakali?

“Naku, hindi ko pinangarap na idirek ang daddy ko. Siya, ididirek ko? Baka siya pa ang magdirek sa akin!”

Maghihintay na lang daw si Meryll ng pagkakataong ipatawag siya ng ama for a possible directorial job, pero kung siya raw ang lalapit ay never daw na mangyayari ‘yon.

Hugot ba ‘to? Ronnie Carrasco III