Messenger na nameke ng pirma ni KC Montero, nangolekta ng milyong piso; timbog!

Messenger na nameke ng pirma ni KC Montero, nangolekta ng milyong piso; timbog!

November 29, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang big-time palsipikador sa One Time Big Time Operation ng mga pulis-Pasay kamakalawa.

Kinilala ni Pasay City Police chief Col. Byron Tabernilla ang suspek na si Rommel Ilagan, 53-anyos ng Pasig City na tinaguriang top most wanted person sa lungsod.

May kinakaharap sa Korte na 28 counts ng qualified theft dahil sa falsification of commercial documents kabilang na rito ang panghuhuwad sa pirma ng DJ na si KC Montero, Kasey Watt Miller sa tunay na buhay, inaresto si Ilagan ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section sa Sub-Station 4, sa pamumuno ni P Maj. Jonar Cardoso ng Pasay City police dakong alas-9:50 ng gabi sa Tower Y, Mall of Asia (MOA) Complex, Barangay 56, Pasay City sa bisa ng Warrant of Arrest.

Sa inisyal na ulat, may tipster na nagbulong kay PMaj. Jonar Cardoso ng kinaroroonan ng ng kilabot na scammer na may Warrant of Arrest.

Agad na nakipag-ugnayan si Major Cardoso sa Warrant and Subpoena Section ng Pasay City Police para sa mabilis at tiyak na pag-aresto kay Ilagan, at magkasama ang dalawang team ay ikinasa ang naging matagumpay na pag-aresto.

Tiniyak naman ni Pasay City police chief na in order ang warrant of arrest na isinilbi laban kay Ilagan galing kay Hon. Judge Elisa R. Sarmiento, ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 71, para sa 28 counts ng qualified theft at falsification of documents, na may recommended bail na P990,000.

Sinabi ni PCol. Tabernilla na maging ang pirma ni Montero ay pineke ni Ilagan para sa paniningil ng pera sa mga naging biktima.

Sinigurado pa ni Tabernilla na mahigpit na natatanuran ang scammer messenger driver na sa Ilagan sa police custodial facility. Dave Baluyot