Messi magreretiro na sa World Cup

Messi magreretiro na sa World Cup

October 7, 2022 @ 1:29 PM 2 months ago


BUENOS AIRES — Isiniwalat ni Lionel Messi na ang World Cup na gagawin sa Qatar sa susunod na buwan ang kanyang  magiging huli sa kanyang karera.

Maglalaro ang 35-anyos na Argentina star sa kanyang ikalimang World Cup at hinahangad pa niya na makuha ang kanyang unang titulo sa showpiece tournament.

“There’s some anxiety and nerves at the same time … it is the last one,” wika ni Messi sa isang interview.

Ayon sa ulat, ito ang unang  pagkakataon na ang Paris Saint-Germain striker ay hayagang nagsalita tungkol sa kanyang hinaharap pagkatapos ng torneo, na magsisimula sa Nob. 20.

Hindi naman nilinaw ni Messi kung siya ay magretiro sa pambansang koponan pagkatapos ng Qatar.

Nagwagi ang Argentina sa World Cup noong 1978 at 1986.

Bubuksan ng koponan ang torneo sa Nob.22 laban sa Saudi Arabia sa Group C bago harapin ang Mexico at Poland.

“Hindi ko alam kung tayo ay malaking paborito, ngunit naniniwala ako na ang Argentina ay isang kandidato dahil sa kasaysayan nito, na nangangahulugan na higit pa ngayon dahil sa paraan na nakarating tayo dito,” dagdag ni Messi.JC