Meta bubuo ng bagong AI supercomputer na pinakamabilis sa mundo

Meta bubuo ng bagong AI supercomputer na pinakamabilis sa mundo

January 26, 2022 @ 8:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng parent company ng Facebook na Meta sa isang blog post nito na bubuo ang kanilang AI Research SuperCluster (RSC) team ng bagong artificial intelligence supercomputer na magiging pinakamabilis sa buong mundo at matatapos sa kalagitnaan ng 2022.

Dagdag pa ng Meta na bubuo sila ng mas magandang AI models na kayang matuto mula sa trilyon na trabaho mula sa daang lengwahe at kayang sumuri sa mga text, images at video para madetermina kung ligtas ba ito.

“This research will not only help keep people safe on our services today, but also in the future, as we build for the metaverse,” ayon sa Meta.

Matatandaan na noong Oktubre nang magpalit ang social media gian ng pangalan para umakma sa magiging pokus nito na metaverse, na sinasabi nilang papalit na sa mobile internet.

“The experiences we’re building for the metaverse require enormous compute power (quintillions of operations/second!) and RSC will enable new AI models that can learn from trillions of examples, understand hundreds of languages, and more,” ani Meta Chief Executive Officer Mark Zuckerberg sa Facebook post nito. RNT