Metal debris na may imahe ng China flag, markings natagpuan sa Mamburao

Metal debris na may imahe ng China flag, markings natagpuan sa Mamburao

August 3, 2022 @ 7:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Narekober ang malalaking piraso ng bakal na may imahe ng Chinese flag at markings sa Occidental Mindoro,  ayon sa Philippine Coast Guard nitong Lunes.

Ayon sa ulat, sinabi ng PCG sa Mamburao sna inaalam pa ng mga tauhan kung saan nanggaling ang debris.

Nauna nang naiulat na bumagsak ang bahagi ng booster stage Long March 5B rocket ng China sa katubigan sa Puerto Princesa, Palawan.

Naiulat na nakita ang mga bahagi ng rocket sa Malaysia at nagmistulang shooting stars nitong weekend.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong insidente sa Pilipinas. Noong 2012, natagpuan din ang bahagi ng North Korean rocket sa Philippine waters 300 kilometro East of Luzon.

Samantala, natagpuan din ang debri ng rocket sa Indonesia.

Inihayag ng China na idinisenyo ang Long March 5B upang magliyab sa atmosphere at maliit ang posibilidad na magdulot ito ng pinsala sa aviation activities.

“According to the information at hand, this rocket is designed with special technology, and the overwhelming majority of its components will burn up during the re-entry into the atmosphere. The probability of this process causing harm to aviation activities or to the ground is extremely low,” ani Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian. RNT/SA