Meteor shower inaantay na ng Ph stargazers ngayong Nob. 17

Meteor shower inaantay na ng Ph stargazers ngayong Nob. 17

November 17, 2021 @ 7:21 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hinihintay ng mga Pilipinong stargazers ang Leonid meteor shower ngayong gabi na posibleng tumagal hanggang madaling-araw ng Huwebes.

Batay sa PAGASA, ang peak ng meteor shower ay bandang 11:47 p.m. hanggang bago sumikat ang liwanag.

Posibleng umabot sa 10 meteor kada oras ang posibleng mamataan.

Ang Leonid meteor shower ay resulta ng debris na naiwan ng ‘repeated passages’ sa inner solar system ng comet 55P/Tempel-Tuttle. RNT/FGDC