Meteorite ‘Ponggo’ opisyal nang naitala sa global database

Meteorite ‘Ponggo’ opisyal nang naitala sa global database

December 15, 2022 @ 8:32 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Opisyal na tinanghal na ikapitong Philippine meteorite na nakarehistro sa Meteoritical Bulletin Database (MBD) ang 2.4-kilogram na meteorite na bumagsak sa Barangay Ponggo sa Quirino.

Ang meteorite na inirehistro ng mga Filipino collector na sina Mar Christian Cruz, Ramon Santiago, David Joshua Magno, at Allen Yu ay natagpuan sa isang nayon sa bayan ng Nagtipunan kung saan ito bumagsak noong Mayo 20.

Inirehistro sa internasyonal na database ng mga meteorite na may pag-apruba ng National Commission for Culture and the Arts ang metorite sa ngalan na “Ponggo” sunod sa nayon kung saan ito matatagpuan.

Ayon sa entry sa MBD, bumagsak si Ponggo sa bubong ng bahay at nabasag ang isang plastic na palayok ng halaman.

“According to the anonymous finder, he did not touch the stone right after it landed because it seemed to be too hot,” saad sa MBD report read. “After the impact, the people within the vicinity heard three consecutive sonic booms.”

Ang MBD, na itinatag at pinananatili ng Nomenclature Committee ng Meteoritical Society, ay ang opisyal na mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa lahat ng kilalang meteorites at kinokopya ang data sa mga bagong meteorite na inilathala sa Meteoritical Bulletin.

Ang anim pang Philippine meteorite na opisyal na nakalista sa global database ay ang Bondoc, Calivo, Orconuma, Paitan, Pampanga, at Pantar. RNT