Metro Davao Development Authority ikasa na-Duterte

Metro Davao Development Authority ikasa na-Duterte

November 24, 2022 @ 12:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Davao City Representative Paolo Duterte na ipatupad na ang batas na nagtatakda ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) kasunud na rin ng patuloy na paglago ng rehiyon.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11708 o MDDA law, ang Metropolitan Davao ay kinabibilangan ng siyudad ng Davao, Panabo, Tagum, Island Garden in Samal, Digos at Mati gayundin ang munisipalidad ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag, Sulop, Carmen, Maco, Malita at Sta. Maria.

Sinabi ni Duterte na patuloy ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon, sa katunayan noong pre-pandemic at lumago ang enokomiya nito ng 7% noong 2019 at kahit na may pandemic noong 2021 ay nasa 5.9 % ang economic growth.

“We should not delay anymore the implementation of the law creating the MDDA. Metro Davao is seven times the size of Metro Manila and even bigger than the land area of Singapore. The MDDA is necessary so that the development plans of the cities and municipalities comprising Metro Davao will move in a synchronized path that is beneficial to all,” pahayag ni Duterte na isa sa pangunahing may akda ng panukala.

“We can save Metro Davao from haphazard planning and transform it into a smart, sustainable, and resilient metropolis if the Metro Davao Development Authority can start doing its job,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Duterte na sa oras na maipatupad ang MDDA ay mas lalawak at lalakas pa ang ekonomiya ng Mindanao dahil magbibigay daan ito sa mas malaking business opportunities at mas mabilis na delivery ng public services sa buong Davao Region.

“Among the key concerns that the MDDA should urgently address is Metro Davao’s infrastructure system, its transportation policies and programs, solid waste disposal and flood control management, water and power supply, and urban planning and shelter concerns. With the MDDA in place, Metro Davao can further boost the development of Mindanao, and transform it into a major economic gateway in Asia,” giit pa nito.

Ang MDDA ay naisabayas noong Abril 2022, i dalawang buwan bago bumaba sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Gail Mendoza