Metro Manila Council magpupulong sa GCQ status ng nasasakupan – Olivarez

Metro Manila Council magpupulong sa GCQ status ng nasasakupan – Olivarez

September 23, 2020 @ 5:26 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pag-uusapan na ng National Capital Region mayors ang pagpapanatili o pagbaba sa General Community Quarantine sa kanilang nasasakupan, batay kay Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez.

“Itong Linggo pong ito magmi-meeting po ang Metro Manila Council para i-discuss po ‘yan regarding po sa pagda-downgrade o maintaining ng GCQ, or even maging modified GCQ tayo,” ani Olivarez sa isang panayam.

Aniya, ang COVID-19 trend sa National Capital Region ay bumaba na.

“Pero hinding-hindi po tayo pwede mag-loose o pwede mag-relax kasi kailangan tuloy-tuloy po ‘yung atin pong gagawin na mga protocol at saka po ‘yung ating minimum health care na kailangan,” paliwanag ni Olivarez.

“Sa figure po sa amin, kung ako po ang tatanungin, we should maintain po ‘yung GCQ.”

“Hindi po pupwedeng mag-iba-iba po ang aming quarantine,” Olivarez said.

“Ang amin pong laging recommendation is unified po ‘yung aming quarantine status sa IATF,” lahad pa nito.

“Punto ni Olivarez, posibleng sa darating na Linggo ang kanilang pagpupulong. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...