Metro Manila, nasa heightened alert status na – PNP

Metro Manila, nasa heightened alert status na – PNP

August 2, 2018 @ 6:52 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isinailalim sa heightened alert status ang Metro Manila dahil sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City, Basilan na ikinamatay ng 11 indibidwal noong Martes.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang pagsasailalim sa heightened alert status ng Metro Manila ay upang mapigilan ang ganitong klase ng insidente na kumalat sa lugar.

Hinikayat din ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatiyag at agad na i-report ang mapapansing kahina-hinala na kilos.

Sa ngayon, wala namang banta na natatanggap ang NCRPO ngunit binigyang diin ni Eleazar na mas mainam na maging handa ang Metro Manila.

“Wala tayong narereceive na imminent threat dito pero maganda na handa tayo and we are constantly coordinating with the other agencies ng ating governement sa intelligence community for monitoring kung mayroong mga threat tayo dito sa atin sa Metro Manila.”

Inatasan din niya ang lahat ng district director na mas paigtingin ang pagsasagawa ng checkpoints, crime prevention operations at anti-criminality operations.

“Kaya’t I’m directing all the district directors to include all the chief of police and station commanders na magsagawa ng intensified na crime prevention efforts, anti-criminality efforts so yung ating checkpoint operations will be done on regular basis. We are also encouraging the public to be very vigilant just like dun sa incidents na nangyari sa ibang lugar, gusto natin na dito sa atin ma-maintain natin yung ating peace and order,” ayon kay Eleazar. Remate News Team