Metro Manila nasa ‘moderate’ risk COVID case na — DOH

Metro Manila nasa ‘moderate’ risk COVID case na — DOH

January 28, 2022 @ 3:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na ang Metro Manila ay nasa ilalim na ng “moderate” risk classification, batay sa ulat.

“Moderate-risk na po ang NCR (National Capital Region) kahapon pa. Bumababa na po ng husto ang ating mga kaso at nakarating na tayo sa moderate case classification,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Mas mababa aniya ng 67% aang naitalang kaso ng Metro Manila ngayong linggo kumpara nung nakaraan.

“Ngayon, ang average ng National Capital Region is just at 4,398—seven-day moving average for their daily case as compared to last week—ang ating average nun was about 13,298. So malaki na po ang binababa.”

Naobserbahan din ng DOH ang downward trend sa karatig lugar ng Metro Manila tulad ng Bulacan at Rizal na ngayon ay nasa moderate-risk classification.

“NCR and NCR-Plus must still remain vigilant with our simple and effective health protocols,” dagdag pa ni Vergeire.

“Meron nalang tayong mga binabantayan ngayon especially ang Visayas and Mindanao na ngayon natin nakikita ang pagtaas ng kaso. Specific talagang mataas ang kaso ngayon sa Region 7, 6, and 11.”

“Those in Visayas and Mindanao need not panic but continued adherence to health protocols and increasing vaccination rates will help protect our hospitals and contain the spread of the virus,” punto ng opisyal. RNT/FGDC