Metro Manila posibleng daanan ng bagyong Paeng

Metro Manila posibleng daanan ng bagyong Paeng

October 29, 2022 @ 11:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Posibleng daanan ng Severe Tropical Storm Paeng ang Metro Manila at mga probinsya sa Calabarzon, o ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung saan sa huling ulat ay kasalukuyang nasa dagat na sakop ng Catanauan, Quezon na ang naturang bagyo.

Matatandaan na nauna nang dinaanan ng bagyong Paeng ang Catanduanes, Camarines Sur at Bondoc Peninsula sa Quezon Province.

Inaasahan din itong lalapit sa Marinduque, tatawid ng Quezon Province at Rizal, hanggang sa makalapit sa Metro Manila mula Sabado ng hapon, Oktubre 29 hanggang gabi ng kaparehong araw.

“After emerging over Manila Bay, Paeng will briefly pass very close or over the Bataan peninsula between tomorrow late evening (Oct. 29) and Sunday early morning (Oct. 30),” dagdag pa ng ahensya.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng Signal No. 3 ang Metro Manila at ilang probinsya sa Southern Luzon. RNT/JGC