Metrong physical distancing sa PUVs mananatili hangga’t walang desisyon si PRRD

Metrong physical distancing sa PUVs mananatili hangga’t walang desisyon si PRRD

September 17, 2020 @ 12:29 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mananatili ang isang metrong distansya sa mga pasahero sa pampublikong transportasyon hanggat hindi pa ito napagdedesisyunan ni President Rodrigo Duterte.

Sa tweet ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inisyu ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang naturang direktiba.

Maaalalang kamakailan ay ipinatupad ang reduced physical distancing policy ng 0.75 metro mula sa isang metro.

Lahad pa ni Roque, ang Pangulo ang magdedesisyon sa polisiya ng physical distancing sa pampublikong transportasyon makaraang bigong maabot ng pandemic response task force ng gobyerno ang consensus ng polisiya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...