METRO’s ‘BEST OF THE BEST’ ANG CALOOCAN CITY

METRO’s ‘BEST OF THE BEST’ ANG CALOOCAN CITY

February 18, 2023 @ 12:37 PM 1 month ago


SA 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila, nangunguna ang Caloocan sa listahan ng Department of the Interior and Local Government na pumasa sa Good Financial Housekeeping 2022.

Ang Good Financial Housekeeping ay itinakdang kriteria o paraan ng DILG para kilalanin ang mga local government unit na sumusunod sa accounting at auditing standards, mga patakaran at mga regulasyon na naayon sa batas.

Malaki ang ginagampanan ng GFH para makamit ng isang LGU ang pinakamataas na DILG award – ang ‘Seal of Good Local Governance’ na iginagawad sa LGUs na maayos na ginagampanan ang tungkulin.

Ito na kaya ang senyales na muli na namang maigagawad sa “Kankaloo” ang prestisyosong SGLG honor? Kapag nagkataon, ito ang ika-pitong SGLG award ng Caloocan City.

Unang ginawaran ang Caloocan ng naturang pagkilala noong 2016 na sinundan pa nang katulad na award sa apat pang sumunod na taon (2017, 2018, 2019, 2020) – nang noo’y mayor, ngayo’y Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan.

At noong nakaraang taon (2022), nasungkit ng Caloocan ang ika-anim na SGLG award – sa pagkakataong ito si Mayor-elect Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan ang tumanggap ng nasabing pagkilala mula sa DILG.

Ang naturang citation ay iginagawad ng DILG sa mga LGU na “performed exceptionally well” sa financial administration at environmental conservation.

Ayon sa mahigpit na criteria ng DILG, basehan din ang disaster preparedness, social protection at sensitivity, education, health, business friendliness at peace and order.

Speaking of the SGLG citation, ang “Kankaloo” ang kaisa-isang Metro Manila LGU na nagawaran ng ng nasabing award ng anim na beses – lima kay Mayor Oca noong siya pa ang nakaupong alklade at isa kay incumbent mayor Along Malapitan.

Kudos sa mag-amang public servant na consisteng awardee ng SGLG. Ang Caloocan ngayon ay tinatawag na “Metro’s best of the best.”