Mexican fighter gulpi kay Pinoy fighter Tapales

Mexican fighter gulpi kay Pinoy fighter Tapales

May 15, 2022 @ 2:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi man lang pinawisan si dating WBO world bantamweight champion Marlon Tapales sa kanyang panalo kontra  kay Jose Estrella ng Mexico nitong Linggo (PH time) sa Dignity Health Sports Park sa California, USA.

Hindi tinantanan ni Tapales, 30, ng suntok ang Mexican fighter at hindi pinayagan na mahanap ng kalaban ang kanyang ritmo.

Isang marahas na kaliwang suntok sa katawan mula kay Tapales ang tumama kay Estrella dahilan upang mapaluhod ito sa tiyempong 1:39 ng round two at hindi na nakatayo pa.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang record ni Tapales sa 36-3 na may 19 knockout habang si Estrella ay bumagsak sa 23-19-1 na may 16 na knockout.JC