Mexico pinasok na ng monkeypox

Mexico pinasok na ng monkeypox

May 30, 2022 @ 6:43 AM 4 weeks ago


Pinasok na ng monkeypox ang Mexico, ayon kay deputy health secretary na si Hugo Lopez-Gatell.

Ang pasyente ay isang 50 taong gulang na permanenteng residente ng New York na ginagamot na sa Mexico City, saad ni Lopez-Gatell sa Twitter.

“He was probably infected in the Netherlands,” dagdag pa ni Lopez-Gatell,

Sa ngayon naka-isolate na ang pasyente.

Noong Biyernes, naging unang bansa sa Latin America ang Argentina na nag-ulat ng kaso ng monkeypox.

Humigit-kumulang 20 bansa kung saan ang monkeypox ay hindi endemic ang nag-ulat ng mga paglaganap ng viral disease, na may higit sa 200 na kumpirmado o pinaghihinalaang mga impeksiyon na karamihan ay nasa Europe.

Ang mga paglaganap ay nagpapataas ng alarma dahil ang monkeypox, na kumakalat sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnay at unang natagpuan sa mga unggoy, ay kadalasang nangyayari sa Kanluran at Central Africa, at paminsan-minsan lamang kumakalat sa ibang lugar. RNT