Mga abogado ‘di swak mamuno sa ‘technical agencies’ – Poe

Mga abogado ‘di swak mamuno sa ‘technical agencies’ – Poe

September 11, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi dapat italaga ng gobyerno ang mga abogado bilang pinuno ng “technical agencies” dahil maaari umanong hindi nila maintindihan ang teknikal na aspeto ng kanilang trabaho, ayon kay Sen. Grace Poe  nitong Sabado.

Sinabi niya na kinakailangan ng “competence” sa mga trabaho sa ganoong mga ahensya. Inihalimbawa niya si Secretary Ivan Uy ng Department of Information and Communications Technology, na nakaiintindi ng source codes.

Ito ang naging pahayag ni Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, kaugnay ng hearing nitong Huwebes sa text scams na pumepeste sa milyong phone users.

Sa hearing, matatandaang nakalimutan ng chief ng National Telecommunications Commission (NTC), Gamaliel Cordoba, na isang abogado, ang dedicated complaint hotline ng ahensya para sa text fraud.

“So, of course, next time, if people are posted in technical agencies, at least we would know that they have the capability, the competence,” paliwanag ni Poe.

“I hope we should not always post lawyers. Because if we only post lawyers, they might not be able to understand the technical aspects of their work,” dagdag niya.

Iginiit pa ni Poe na hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng NTC upang tugunan ang text scams.

“They are quick to react to certain things, like the oppression of others’ franchises, but when it comes to the needs of subscribers,  our countrymen, they don’t seem to care,” sabi niya. RNT/SA