Mga abogado ng komunista ‘di target ng gov’t

Mga abogado ng komunista ‘di target ng gov’t

March 15, 2021 @ 6:40 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Wala dapat na ikatakot ang mga abogado na nagsisilbing legal counsel para sa mga indibuduwal na pinaghihinalaang komunista sa ginagawang pagsugpo ng pamahalaan laban sa mga komunista.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay pagtiyak sa naging hakbang ni Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na pagsibak sa puwesto sa hepe ng Calbayog City Police Station intelligence unit matapos mag-request ng korte para kilalanin ang mga abogado na kumakatawan sa mga personalidad na  identify sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ang intelligence chief na sinibak sa puwesto ay si Police Lieutenant Fernando Calabria.

“Sa aking pananaw po, walang ganoon [na dapat matakot] dahil sinibak nga po iyong humingi. Siguro po kung hindi sinibak iyong humingi ay dapat may dahilan nang matakot,” ang pahayag ni Sec. Roque.

“Pero nakita po natin na hindi naman po kinunsinti ng gobyerno iyan, at dahil diyan po ay walang dahilan para matakot ang mga abogado,” dagdag na pahayag nito.

Dinepensahan naman ni Sec. Roque ang court judges na nagpalabas ng search warrants sa police operations noong Marso 7 na nagresulta ng pagkamatay ng siyam na aktibista sa Calabarzon Region.

“We have to accord our judges the presumption of regularity in the discharge of their function. We have a constitutional requirement that no search warrant shall be issued except by a judge and upon finding of probable cause,” saad ni Sec. Roque.

“I would like to presume that all judges discharge their functions on the basis of affidavits and submissions, and that they are convinced that there is a reason to issue search warrants. Let us trust our justice system. And to those feeling otherwise, they can avail of [legal] remedies,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. Kris Jose