Mga alaga turukan ng anti-rabies – DOH

Mga alaga turukan ng anti-rabies – DOH

March 4, 2023 @ 12:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging responsableng pet owners sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa kanilang alaga ng anti-rabies kasabay ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month.

“Keep our homes and communities injury-free! Siguraduhing bakunado si bantay at huwag iwanang mag-isa ang mga chikiting kasama ang mga alagang hayop,” ayon sa abiso ng DOH

Sa datos ng DOH, kabuuang 33 kaso ng rabies ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 4. Ito ay 38 porsiyentong mataas kumpara sa 24 kaso ng rabies na naitala sa parehong panahon noong 2022.

Karamihan sa mga kaso ng rabies ay naitala sa Central Luzon na may anim na kaso.

Sinundan ito ng Calabarzon na may limang kaso , Bicol Region at Davao Region na may tig apat na kaso , Eastern Visayas na may tatlo; Mimaropa, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Caraga na may tig dalawang kaso; Ilocos Region, Northern Mindanao, at Soccsksargen na may tig isang kaso.

Ayon sa DOH, ang rabies mula sa kagat ng alagang hayop ay maaring maipasa kapag ang laway ay direktang nadikit sa mga sariwang sugat sa balat ng biktima.

Ilan sa mga sintomas ng rabies ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention ay panghihina o kakulangan sa ginhawa, lagnat at pananakit ng ulo.

“There also may be discomfort, prickling, or an itching sensation at the site of the bite,” dagdag pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden