Mga alagang hayop sa 8 barangay sa Amulung, Cagayan nasapul ng peste!

Mga alagang hayop sa 8 barangay sa Amulung, Cagayan nasapul ng peste!

July 14, 2022 @ 1:48 PM 1 month ago


AMULUNG, CAGAYAN- Walong barangay sa bayan ng Amulung ang nakumpirmang tinamaan ng “peste” sa mga alagang manok at iba pang fowl species.

Matapos na makumpirma ay agad na pinatawag ni Mayor Elpidio Rendon ang MAO para i-update siya sa status ng nangyaring pagkamatay ng mga alagang manok, pato, ganso, itik at kalapati.

Agad na pinasuri ang blood sample sa mga namatay na alaga sa laboratoryo ng Department of Agriculture Regional Office 2 na nakabase sa Tuguegarao City.

Dito malalaman kung anong klaseng sakit ang dumapo sa mga fowl specie.

Inaasahan naman na mailalabas sa lalong madaling panahon ang resulta ng isinagawang laboratory examination ng D.A.

May naunang advisory na inilabas ang MAO Amulung na pinapayuhan ang mga residente na may namatay na alaga na huwag ng katayin kundi ibaon agad sa lupa kasama na ang mga na-expose na gamit gaya ng sako, ipot at feeds.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente na kung may ganitong nangyari sa kanilang lugar na agad magsagawa ng disinfection at ipaalam sa pamahalaan lokal ng nasabing bayan para agad maaksyunan. Rey Velasco