Mga alak sa Ireland, lalagyan na ng cancer warning

Mga alak sa Ireland, lalagyan na ng cancer warning

October 11, 2018 @ 7:43 AM 4 years ago


 

Ireland – Nakatakda nang lagyan ng cancer warnings ang lahat ng alcoholic drinks sa Ireland matapos maipasa ang bagong batas nitong Miyerkules.

Ang naturang bill ay kauna-unahang ipatutupad sa Ireland kung saan ang pag-inom ng alak ay itinuturing na public health issue at may layuning magsalba ng buhay.

Ayon kay Health minister Simon Harris, ang araw ng pagpasa ng bill ay isang espesyal na araw.

“Alcohol damages our health, it harms our communities, it hurts many families and the measures in this bill are designed to change that relationship,” ayon sa kaniya.

“It’s about putting in place a number of measures for the first time ever in a public health perspective to try and change that corrosive culture that we currently we have with alcohol in Ireland.”

Sa ulat ng Health Research Board noong 2016, tatlong indibidwal ang namamatay kada araw dahil sa pag-inom ng alak sa Ireland.

Nakasaad sa bill ang pagtatalaga ng minimum unit price para sa mga alak at pagbabawal sa pag-advertise nito sa mga pampublikong parke, bus stops at istasyon ng tren.

Inaatasan din nitong maglagay ng warning kaugnay sa maaaring maging epekto ng alak sa kalusugan ng tao gaya ng cancer at sinasabing dapat itong ilagay sa mga label kasama na rin ng calorie count nito.

Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ng Alcohol Beverage Federation ng Ireland at sinabing ang bill ay “too big a barrier” para sa ilang kompanya.

Binitikos ni Patricia Callan, director ng nasabing pederasyon, ang health warning at sinabing “The scientific evidence certainly doesn’t warrant the direct link of alcohol and cancer.”

Ayon sa mga minister, ang Ireland ang ikaapat sa heaviest-drinking nation sa OECD kung titignan ang bilang ng kinukunsumong alak at pangatlo naman sa 194 bansa bilang binge-drinking, ayon sa pag-aaral ng World Health Organisation.

Ngayong taon, una nang naglabas ng minimum price para sa alak ang Scotland habang ang iba pang bansa gaya ng Russia, Ukrain at ilang estado sa Canada ay nagsagawa na rin ng ganitong hakbang./Remate News Team