Trike driver todas sa hit-and-run ng sasakyan ng QCPD official

August 8, 2022 @5:20 PM
Views:
34
MANILA, Philippines- Todas ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang babaeng pasahero nito nang masalpok ang kaniyang minamanehong tricycle ng isang Ford Ranger na tumakas matapos ang aksidente sa Quezon City, Sabado ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center ang tricycle driver na si Joel Laroa, 54-anyos, nakatira sa No. 28 Interior 1 V, Gonzales St., Krus na Ligas, Q.C.
Sugatan naman ang kaniyang pasahero na nakilalang si Rozelle B. Morales, 27, Customer Service Associate, at naninirahan sa Antipolo City.
Tumakas naman ang driver ng Ford Rager Pick Up Color Black na may plakang NCG 8456 na kinalaunan ay nalaman sa Land Transportation Office (LTO) na nakarehistro ang nasabing sasakyan kay PCol. Mark Julio Abong, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang nasabing opisyal ng QCPD ang nagmamaneho ng sasakyan nang maganap ang aksidente.
Sa naantalang report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, pasado alas-5 ng umaga (August 6) nang maganap aksidente sa kanto ng Anonas at Pajo St., Brgy. Quirino 2A, sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni PSMS Jose R Soriano ng QC Traffic Sector 3, pareho umanong binabaybay ng tricycle at ng Ford Ranger pickup ang kahabaan ng Anonas patungong Auroa Blvd. galing sa Kamias Road sa Brgy. Quirino 2A.
Pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok ng Ford Ranger ang kaliwang bahagi ng tricycle na minamaneho ng biktima.
Dahil sa lakas ng impak ay tumumba ang tricycle at naipit ang driver maging ang sakay niyang pasaherong babae.
Sa halip na tulungan umano ng driver ng Ford Ranger ang mga biktima ay mabilis pa nitong pinaharurot ang kaniyang sasakyan.
Agad namang isinugod ng mga nakasaksi sa aksidente ang mga biktima sa nasabing ospital subalit kinalaunan ay binawian ng buhay ang tricycle driver habang inoobserbahan pa ang sakay nitong pasahero.
Nahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in homicide and Damage to Property with Physical Injury (Hit and Run).
Tinangka naman kunin ang panig ng nasabing opisyal subalit hindi ito mahagilap dahil naka-leave umano ito sa ngayon. Jan Sinocruz
SB member na wanted sa estafa, nalambat!

August 8, 2022 @4:00 PM
Views:
43
ILAGAN CITY, ISABELA- Nalambat ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Isabela PFU ang isang Sangguniang Bayan Member na akusado sa kasong estafa sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.
Kinilala ni PMaj. Eric Constantino, Team Leader ng CIDG-Isabela PFU ang akusadong si Peter Jude Soriano y Barquilla, 45-anyos, may-asawa at Sangguniang Bayan member ng Roxas, Isabela na residente ng Brgy. Rizal (Pob), Roxas, Isabela.
Bilang pagtalima sa direktiba ni PCol. Reynante Panay, Regional Chief ng CIDG-RFU sa Oplan Pagtugis ay nahuli ang akusado sa pamunuan ni PMaj. Constantino.
Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa na may docketed under CC No. 40-14234 na inisyu ni Hon. Ariel M Palce, Presiding Judge, RTC, SJR, Branch 40, Cauayan City, Isabela dated July 1, 2022 ay may inirekomendang piyansa sa halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng ng CIDG-Isabela para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco
Binata, 4 beses tinarakan ng distilyador ng katoma!

August 8, 2022 @3:19 PM
Views:
52
Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng binata matapos pagsasaksakin ng kainumang karpintero sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek na si Ernesto Floro, 53, habang ang biktima ay si Rolly Sara, 36, helper, kapwa residente ng Brgy. Kaypian.
Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang ala-1:35 ng madaling araw nitong Agosto 7, sa Brgy. Julo Kaban.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng saksi, masayang nag-iinuman ang dalawa nang biglang magkaalitan at magsuntukan.
Sa kasagsagan ng suntukan ay dumampot ng screwdriver ang suspek hanggang sa
tarakan ng tatlong beses sa dibdib at kanang braso ang biktima.
Nang humupa, agad dinala ang sugatang biktima sa Ospital ng Lungsod para sa paunang lunas habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa lugar.
Dahil dito, mabilis na humingi ng saklolo ang mga kaanak ng biktima sa mga tanod na rumesponde sa lugar kaya naaresto ang suspek at isinuko naman sa pulisya kalaunan.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III
6 HVI, 170 gramo ng shabu kumpiskado sa Montalban!

August 8, 2022 @3:12 PM
Views:
43
MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makumpiska sa kanila ang 170 gramo ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mukarsa Majindie, high value individual; Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi, at Jerome Lim, mga residente ng Almaje St., Avatex, Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan.
Dakong ala-1:45 ng madaling araw nitong Linggo, Agosto 7, nang isagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Custudio sa mga pinaniniwalaang tulak ang 20 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 170 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,156,000; P7,000 boodle money; P1,000 buy-bust money; at shabu paraphernalia.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention cell habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rene Tubongbanua
14 pasahero ng tumaob na motorbanca, nasagip

August 8, 2022 @2:48 PM
Views:
31