Mga ama na ‘di nagsusustento sa anak, pnanagutin ng DSWD – Erwin Tulfo

Mga ama na ‘di nagsusustento sa anak, pnanagutin ng DSWD – Erwin Tulfo

July 5, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na nais niyang habulin ng ahensya ang mga ama na hindi nagsusutento sa kanilang mga anak.

Nangako si Tulfo na tutulungan ang mga single mother na hirap sa buhay dahil sa kawalan ng child support mula sa mga dating kinakasama o asawa.

“Isa ‘yung mga single parents na nagkakaproblema na ‘yung bastardo nilang ex, yung bastardo na mga ama ng kanilang mga anak, ayaw magsustento. Susulatan ng DSWD, kasi wala silang malapitan ngayon,” pahayag ng DSWD chief.

“I will encourage them to come to the DSWD, we will help them out. We will write letters. If not, we will file cases against the father of the children para mag-sustento (to give child support) because it is under the law now.”

“Marami pong hindi nakakaalam, akala nila dahil hindi sila kasal pero andun yung pangalan sa birth certificate ay libre sila. Mali po yun. You have to pay o ika nga sustentuhan mo yung anak kahit di kayo kasal o kahit na-impregnate mo lang ‘yung babae pero andun sa birth certificate yung name mo. You have to pay ika nga sustento to your child,” aniya pa.

Labag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang “depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due to her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support.”

Sakaling mahatulang nagkasala, maaaring makulong nang hindi bababa sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon. RNT/SA