Mga aral sa pandemya bitbitin sa balik-eskwela-CBCP

Mga aral sa pandemya bitbitin sa balik-eskwela-CBCP

August 21, 2022 @ 11:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Salubungin ang bagong taon ng face to face classes ng mayroong sigla at pag-asa.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishops Jose Elmer Mangalinao – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga mag-aaral, guro at mga kawani ng paaralan sa pagsisimula ng school year 2022-2023 sa August 22.

Ipinagdarasal ng Obispo na isabuhay ng bawat isa sa sektor ng edukasyon ang mga aral na natutunan sa mga suliraning idinulot ng COVID 19 pandemic.

“We welcome the new school year with so much hope and enthusiasm, hoping that everybody learned from this pandemic times: How important the face to face medium of instructions, how valuable to see your teachers, classmates and friends each day,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang mga guro at school personnel na ipagpatuloy ang kanilang misyon na turuan ang mga kabataan.

“As we are given another chance to begin again, may we all learn that we are blessed with the gifts of life, faith, and mission,” sabi ni Mangalinao. “I pray that all those involved in the training, formation, and education of our young may take to heart the mission of helping them see the meaning of life by their words and actions.”

Bagamat nagpapatuloy ang enrollment period ng mga estudyante, ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na nasa 22.5-milyon na ang enrollees sa pribado at mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.

Ang School Year 2022-2023 ay magsisimula sa Agosto 22 kung saan ang ilang paaralan ay nagsasagawa ng face-to-face na mga klase habang ang iba ay magpapatupad ng blended modular learning. Jocelyn Tabangcura-Domenden