Mga armas, bala nadiskubre sa abandonadong kampo ng NPA

Mga armas, bala nadiskubre sa abandonadong kampo ng NPA

October 17, 2022 @ 2:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines -Nadiskubre ng mga pulis nitong Sabado, Oktubre 15 ang mga armas partikular na ang mga automatic rifle at daan-daang bala sa hinihinalang abandonadong training camp ng New People’s Army sa Concepcion, Tarlac.

Sa pahayag ni Tarlac police director Col. Erwin Sanque, nakakuha sila ng isang Colt M16 rifle, tatlong kargadong magazine, 58 kahon na naglalagay ng 30 M16 bullets sa naturang training camp sa Sitio Capcap.

Ani Sanque, nakatanggap umano si Concepcion police chief Lt. Col. Noriel Rombaoa ng impormasyon tungkol sa abandonadong kuta ng NPA.

Dahil dito ay nagkasa ng magkatuwang na operasyon ang town, provincial at regional police kasama ang naval intelligence group upang suriin ang lugar at positibong nadiskubre ang lugar.

Dinala na ng mga awtoridad ang mga narekober na armas at bala sa Concepcion police station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. RNT/JGC