MGA BAGO, MULING HALAL NANUMPA NA

MGA BAGO, MULING HALAL NANUMPA NA

June 11, 2022 @ 9:40 PM 2 weeks ago


Nanumpa na ang mga bago at muling inihalal na kaanib ng Sangguniang Bayan (SB) ng Indang, Cavite ngayong Hunyo 7, 2022 ganap na 9:00 ng umaga kay Indang Mayor Perfecto V. Fidel.

Sila ay pinangunahang samahang manumpa ni Indang Vice Mayor Ismael Rodil sa tanggapan at sa harapan ni Mayor Pecto Fidel.

Ang mga nakadalo ay sina Councilor Ferdinand Papa, Councilor Nilo Telmo, Councilor Avegel Kasaysayan, Councilor Ronald Bernarte, Councilor Chrissel Romea-Borja, Councilor Ramil Herrera at Councilor Danilo Masangcay.

Samantala, hindi nakadalo si Councilor Atty. Restituto Vejerano sa nabanggit na aktibidad. Si Councilor Vejerano ang siyang nag-number 1 sa pagka-Konsehal sa dalawang magkasunod na eleksyon at ngayon ay nasa kanyang huling termino na.

Nasa pangalawang pwesto naman sa pagka-Konsehal si Councilor Papa na ngayon ay nasa pangalawa na niyang termino, habang si Association of Barangay Captains (ABC) President Telmo naman ay bagong halal na Konsehal na nasa pangatlong pwesto.

Nasa huling termino na rin ang pang-apat sa pwesto na si Councilor Kasaysayan samantalang muling nagbabalik naman ang dati na ring 3-year term Councilor noon na si Kapitan Bernarte na ngayon ay muling nahalal sa ika limang pwesto.

Nasa ika-anim na pwesto naman si Councilor Romea-Borja na ngayon ay nasa ikalawang termino na.

Samantala ang mga baguhan namang sina Councilor Herrera at Councilor Masangcay ang nasa ika-pito at ika-walong pwesto.

Personal: Congrats po sa inyong lahat, pagbutihin po ninyo ang pagtulong, paggawa ng mga ordinansa at batas para sa ating mamamayan at paglilingkod sa bayan. Mabuhay po kayo.