Mga bagong opisyal ng Kamara hinirang na

Mga bagong opisyal ng Kamara hinirang na

July 25, 2022 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng panunumpa sa tungkulin ni House Speaker Martin Romualdez ay tinukoy naman ang mga opisyal ng Kamara na magiging katuwang nito sa tungkulin sa pangunguna ni Zamboaga Rep Manuel Dalipe na nahirang bilang House majority Leader at Pampanga Rep Gloria Macapagal Arroyo bilang Senior Deputy House Speaker.

Tatayo din bilang mga bagong Deputy Speakers sina Davao Rep. Isidro Ungab, Las Pinas Rep Camille Villar, Ilocos Sur Rep. Christine Singson-Meehan, TUCP Partylist Rep Raymond DEmocrito Mendoza at Antipolo Rep Roberto Puno.

Magsisilbi naman na House Secretary General si Reginald Velasco habang si retired police major general Napoleon Taas ang syang magiging House Sergeant at Arms.

Inaasahan din ang rigodon sa mga House Committee Chairmanship sa pagbabago ng liderato sa Kamara.

Samantala sa ilalim ng House rules, ang mga hindi bumoto sa nanalong House Speaker ang syang bubuo sa House Minority Bloc kung saan dito kukunin ang magiging House Minority Leader. Gail Mendoza