Mga bagong opisyal ng NPC nanumpa kay PBBM

Mga bagong opisyal ng NPC nanumpa kay PBBM

August 26, 2022 @ 7:12 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanumpa kay Pangulong Ferdianand Marcos Jr. sa Malakanyang ang mga bagong opisyal ng National Press Club of the Philippines (NPC) nitong Huwebes.

Sinaksihan din nina Press Secretary Atty. Trixie Angeles; Presidential Management Staff Sec. Zenaida Angping at National Irrigation Administration Administrator Benny Antiporda ang nasabing oathtaking.

Kabilang sa mga nanumpa sina NPC President Lydia Bendaña Bueno, editor-in-chief ng REMATE News Central; Vice President Kristina Maralit, Manila Times; Secretary Paul Gutierrez, People’s Journal; Treasurer Auer Diaz, Abante/Tribune; Auditor Leonel Magistrado Abasola, PNA/Balita; at mga director na sina  Alvin Murcia, Tribune; Aya Yupangco, DWIZ; Jean Fernando, Manila Bulletin; Nats Taboy, Remate; Jun Mendoza, Philippine Star; Madz Arrieta Domiquez, Manila Bulletin; Benedict Abaygar Jr., Pilipino Mirror/Tribune;  Jeany Lacorte, Abante; Bobby Ricohermoso, Saksi at Joe Torres, UCAN.

Binati naman ng Pangulo ang mga bagong halal na opisyal ng NPC at umaasa na magiging katuwang sila sa pagtaguyod ng tamang impormasyon.

“Tayo’y umaasa na sila’y ating magiging katuwang sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga mamahayag at pagpapaunlad sa prophesying inaasahan ng mga Pilipino para sa tamang impormasyon,” sabi ng Pangulo.

Binati rin ng Press Secretary ang mga bagong opisyal ng NPC at umaasa ito na magkakaroon pa ng mga pagkakataon na magkakasama muli at makapagplano ng mga aktibidad na magkatuwang.

“Congratulations to the new NPC-National Press Club officers– congratulations sa inyong oath taking buti naman nagkita-kita uli tayo dito, sana hindi madalang–so sa uulitin, and let’s plan activities together.Muli maligayang bati” mensahe ni Press Secretary Trixie. Jocelyn Tabangcura-Domenden