Mga bagong opisyal ng PAPI nanumpa sa harap ni PBBM

Mga bagong opisyal ng PAPI nanumpa sa harap ni PBBM

March 15, 2023 @ 6:12 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Personal na nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong halal na opisyal ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso14.

Pinasalamatan ng Pangulo ang mga bagong opisyal ng PAPI para sa pagprotekta sa freedom of expression at freedom of information.

“Ating ipinaabot ang labis na pasasalamat para sa kanilang pagsulong at pagprotekta sa karapatan ng lahat sa tamang impormasyon at malayang pamamahayag,” ayon sa Pangulo sa kanyang Twitter post.

“Kasangga nila tayo sa pagbibigay-kakayahan sa mga Pilipino na makiisa sa pagbuo ng mapayapa at produktibong pamayanan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ang mga bagong opisyal ay sina:

Nelson Santos- President
Beck Madeja-Velasquez- Executive Vice President
Alma Ochotorena- Vice President (Luzon)
Mark Arrojado- Secretary
Ching Barreto- Treasurer
Leonida Pascua Cardona-Auditor
Elizah Ann Templado- Asst. Secretary
Jim Vistar- Director (Luzon)
Ed Wardo- Director (Luzon)
Edalyn Acta – Director (Visayas)
Dan Silvestrece- Director (Visayas)
Anne Acosta- Director (Mindanao)
Elpedio Bernas Soriano Jr., -Director (Mindanao)

Samantala, ang PAPI, base sa website nito ay sinasabing ” largest media fraternity” ng bansa, binubuo ng mga publihers ng 500 community newspapers sa mga rehiyon at lalawigan at ilang national publication bilang regular members. Kris Jose