Mga bagong plaka ng sasakyan sinimulan nang ipamigay

Mga bagong plaka ng sasakyan sinimulan nang ipamigay

July 5, 2018 @ 6:45 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sinimulan nang mamigay ng vehicle registration plates kanina, July 5.

Sa pangunguna ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang seremonya sa Land Transportation Office sa Quezon City ang pamamahagi mga plaka.

Kasama rin sa seremonya si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na pormal na nag-abot ng mga plaka ng sasakyan sa mga automotive dealers.

Ayon kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante, puwede nang makuha ng mga nagparehistro noong Hulyo 2016 sa buong bansa ang kanilang mga plaka.

Dagdag pa ni Galvante, ibinabiyahe na ngayon ang iba pang mga plaka para sa mga susunod na buwan ng 2016 para sa distribution ng mga district office ng LTO.

Hindi pa kasama sa ngayon ang mga nagparehistro ng sasakyan simula 2013 hanggang Hunyo 2016 dahil sa ibang supplier ito nakakontrata.

Sa datus ng ahensiya nasa 231,332 pares ng motor vehicle plates ang nagawa na ng LTO Plate Making Plant mula nang pasimulan ito noong Abril. (Remate News Team)

REMATE FILE PHOTO | JUN MESTICA