Mandatoryong pagpapasok sa mga guro kahit tapos na ang school year, ‘new form of forced labor’ – ACT

June 28, 2022 @7:00 PM
Views:
30
MANILA, Philippines- Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang mandatoryong pisikal na resporting ng mga guro sa paaralan kahit na tapos na ang official school year calendar, at tinawag itong “new form of forced labor.”
Pinuna ng ACT Philippines nitong Martes ang Department of Education (DepEd) matapos makatanggap ng mga ulat mula sa educators sa buong bansa na patuloy pa rin silang pinapapasok sa mga paaralan kahit na tapos na ang school year calendar ng DepEd.
“DepEd is using its questionable Memorandum 43 series of 2022, issued last May 10 to justify this new form of forced labor. This memo essentially extended work for teachers for them to report to school,” ani ACT Philippines chairperson Vladimer Quetua.
Habang 197 sa 209 class days ang nagamit sa school year dahil sa deklarasyon ng 12-day health break, naniniwala ang mga guro na sapat na ito upang maabot ang kanilang learning at teaching objectives.
“If DepEd insists that there is exigency of service, there should be an order approved by the division that teachers are required to report and there should be additional compensation or service credit for them,” giit ni Quetua.
Batay sa kalendaryo ng DepEd, Hunyo 24 ang huling araw ng school year 2021-2022. RNT/SA
Huling batch ng COVID vax galing US sa ilalim ng Duterte admin, dumating na sa Pinas

June 28, 2022 @6:48 PM
Views:
30
MANILA, Philippines- Natanggap na ng Pilipinas ang huling shipment ng COVID-19 vaccines mula sa United States government ilang araw bago matapos ang termino ng Duterte administration, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes.
Sinabi ni Galvez na ang mga bakuna na dumating nitong Lunes ay binubuo ng 299,520 doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility.
Nakalaan ito para sa mga menor, edad 12 taon pataas.
Ayon kay Galvez, pinapakita nito ang kagustuhan ng pamahalaan ng Estados Unidos na tulungan ang bansa na paigtingin ang national vaccination program at overall pandemic response nito.
Aniya pa, ipinapakita rin nito ang suporta ng US sa administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Now, this will be our last donation to be received during the Duterte administration and it only shows the support of the US and other allies to the next government,” sabi ni Galvez.
“Tuloy-tuloy ang suporta lalo na ang expired vaccines, papalitan nila. And we are thankful for that generosity,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa 245.3 milyong dosis ng COVID-19 vaccines ang natatanggap ng bansa. RNT/SA
Higit 792K Pinoy naturukan na ng 2nd COVID-19 booster

June 28, 2022 @6:36 PM
Views:
31
MANILA, Philippines- Mahigit 792,000 healthcare workers, senior citizens, immunocompromised at persons with comorbidities ang nabakunahan na ng ikalawang booster ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes na halos 70.5 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong Lunes. Sa bilang na ito, mahigit 9.5 milyon ang adolescents at 3.4 milyon ang mga bata.
Halos 15 milyon naman ang naturukan ng unang booster shot.
“Last week, we started vaccinating booster shots to our immunocompromised adolescent population ages 12 to 17 years old. This week, the National Vaccination Operations Center is now preparing the guidelines for the administration of the first booster or third dose for our general adolescent population,” ani Vergeire sa online media briefing.
Para sa immunocompromised adolescents, pwede silang bakunahan ng unang booster o ikatlong dose “at least 28 days after their second dose of the primary series.”
Para naman sa general adolescent population, pwedeng turukan ng booster “at least five months after their second dose of the primary series.” RNT/SA
Pasay mayor muling nanumpa sa pagka-alkalde

June 28, 2022 @6:24 PM
Views:
30
MANILA, Philippines- Sinimulan ng isang misa bago sinundan ng panunumpa sa tungkulin si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ginanap sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus na matatagpuan sa Newport Boulevard, Villamor Airbase nitong Martes (Hunyo 28).
Kasama ni Calixto-Rubiano sa panunumpa sa tungkulin ay ang kanyang nakatatandang kapatid na si Representative Antonino ‘Tony’ Calixto at Vice-Mayor Waldertudes “Ding” del Rosario kabilang ang buong “Team Calixto” matapos idaos nag misa ng pasasalamat na isinagawa ni Bishop Oscar Florencio ng Military Ordinate of the Philippines.
Si Calixto-Rubiano at ang kanyang “Team Calixto” ay sumumpa sa kanilang tungkulin kay Pasay City Regional Trial Court Branch 45 Judge Remiebel U. Mondia.
Nagwagi ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde Si Calixto-Rubiano sa nakaraang eleksyon na ginanap nitong Mayo 9.
Pinasalamatan naman ni Calixto-Rubiano ang mga residente ng lungsod sa patuloy na pagsuporta sa “Team Calixto” at ipinangako na kanyang ipagpapatuloy ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanyang mga konstituwente.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na mas lalo pang pag-iibayuhin ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng serbisyo sa programang HELP (H-ealth care and housing, E-ducation, economic growth and environment; L-ivelihood and lifestyle, P-eace and order, palengke, at pamilya.
Ang mga nahalal na Team Calixto Councilors ng District 1 ay sina Mark Calixto, Grace Santos, Antonia Cuneta, Marlon Pesebre, Ambet Alvina at Ding Santos habang ang mga konsehal na nagwagi sa nakaraang eleksyon sa lungsod sa District II ay sina Joey Isidro, Wowee Manguerra, Donna Vendivel, Jen Panaligan, and Allo Arceo. James I. Catapusan
DOH nakapagtala ng 45,416 dengue cases sa Pinas mula Enero ‘gang Hunyo 2022

June 28, 2022 @6:12 PM
Views:
29