Mga bagong tayong covered court, pinasinayaan sa Navotas

Mga bagong tayong covered court, pinasinayaan sa Navotas

March 19, 2023 @ 11:15 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Mismong si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nanguna sa inagurasyon ng mga bagong konstruksyon na multi-purpose covered courts sa apat na pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang mga binasbasan na covered court ay sa San Roque Elementary School, Bangkulasi Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School at Tangos National High School.

“Sa pamamagitan ng mga pasilidad na ito, ibig kong hikayatin ang mga mag-aaral na matuon ang isipan ng mga ito sa larangan ng palakasan at ehersisyo hindi lamang sa pag-aaral upang maiwas rin ang mga ito sa masamang bisyo,” ani Mayor Tiangco.

“Hindi lamang sa loob ng silid-aralan nagaganap ang kaalaman na may holistic na diskarte pagdating sa edukasyon, ito’y matututunan rin kapag nakilahok o sumali ka sa iba’t-ibang laro o larangan ng palakasan,” dagdag pa ng alkalde.

Taong 2019-2022 pinondohan ang mga Navotas courts noong termino ni Mayor John Rey Tiangco bilang Congressional Representative habang nakalipas na taon sinimulan ng Navotas ang konstruksyon ng apat na palapag sa siyam na public schools. R.A Marquez