Mga bagong Usec at Asec. sa DOJ, itinalaga

Mga bagong Usec at Asec. sa DOJ, itinalaga

July 11, 2018 @ 2:59 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagtalaga na ng bagong Undersecretary at Assistant Secretary ang Department of Justice (DOJ).

Ito ay sa katauhan nina Atty. Emmeline Aglipay-Villar, Adrian Sugay, Mark Perete at Neal Vincent Bainto.

Itinalaga ang tatlo kapalit nina Undersecretaries Raymund Mecate, Erickson Balmes, Reynante Orceo at Assistant Secretary Juvy Manwong.

Ang pagtatalaga sa bagong mga opisyal ng DOJ ay kinumpirma naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra salig sa appointment papers na mula sa Malacanang.

Si Guevarra rin ang nagrekomenda sa mga bagong opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Habang si DOJ Undersecretary Deo Marco ay nanatili naman sa kanyang puwesto.

Si Villar ay dating kinatawan ng DIWA Party List; naging Special Assistant to the Corporate Head sa Philippine Ports Authority naman si Sugay; Si Perete naman ay naupo bilang Assistant Secretary for Legal Affairs sa Office of the President; habang si Bainto ay Senior Associate sa Villaraza and Angangco Law Offices. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)