Mga bakunado na vs COVID pwedeng mag-donate ng dugo – DOH

Mga bakunado na vs COVID pwedeng mag-donate ng dugo – DOH

January 27, 2022 @ 3:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat na hindi maaring mag-donate ng dugo ang mga bakunadong indibidwal.

Sa public advisory ng DOH, sinabi na ang  sinumang nabakunahan kontra COVID-19  ay maaring mag-donate ng dugo anumang oras kung ito ay asymptomatic at 14 araw matapos ang sintomas o recovery mula sa COVID-19.

Bilang karagdagan, ang standard criteria para sa pagdo-donate ng dugo ay ang mga sumusunod:

-Dapat nasa edad 16-45 na may timbang na hindi bababa sa 50 kilogram

– Hindi dumaan sa minor/major surgery, bagong tattoos, body piercings, at anti-rabies/anti-tetanus vaccine sa nagdaang taon.

– Hindi dapat nauugnay sa high risk behaviors  tulad ng  casual sex,  male-male sex, multiple sexual partners)

– Kung may diabetes at hypertension, dapat ito ay kontrolado

– Kung may ibang sakit,ang indibidwal ay kailangang munang masuri

Paalala ng DOH sa publiko, ingatan ang mga imporamsyong ating ibinabahagi.

Ang maling impormasyon ay maaring mangahulogan ng buhay o kamatayan.

Ang tumpak at napapanahong impormasyon ay nagliligtas ng mga buhay,ayon pa sa DOH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)