Mga bakwit ng #OdettePH nasa 900 evacuation center pa rin — DSWD

Mga bakwit ng #OdettePH nasa 900 evacuation center pa rin — DSWD

January 19, 2022 @ 3:46 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nagtitigil pa rin sa 900 evacuation center ang 111,864 katao o 30,000 pamilya sa anim na rehiyon, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa datos nitong Enero 18, bukas pa ang 900 evacuation center sa MIMAROPA (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.

Habang 11,661 pamilya o 39,673 indibidwal pa ang naninirahan sa kanilang kaanak o kaibigan sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga

Sa kabuuan, umabot sa 2.5 milyong pamilya o 8.8 milyon ang naapektuhan ng bagyong Odette sa 9,003 barangay sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga. RNT/FGDC