Mga bala, pampasabog narekober sa operasyon sa Nueva Ecija

Mga bala, pampasabog narekober sa operasyon sa Nueva Ecija

October 17, 2022 @ 1:50 PM 2 months ago


NUEVA ECIJA – Natunton ng pinagsanib na operatiba ng mga kapulisan sa pangunguna ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang iba’t-ibang klase ng mga bala at pampasabog sa ikinasang Minor Combat Operation sa Barangay Sapsap, Santa Rosa, Nueva Ecija nitong Sabado, Oktubre 15.

Sa pangunguna ni PMFC Force Commander, P/Lt. Col. Robert D. Agustin at bilang suporta sa Whole-Of-Nation Approach sa pagkamit ng inclusive at sustainable approach na naglalayong wakasan ang komunismo at armadong tunggalian ay narekober ang iba’t-ibang mga bala at pampasabog sa naturang lugar.

Narekober mula sa nasabing lugar ang 30 piraso ng 7.62 ammunition, 10 piraso ng 5.56 ammo, isang hand grenade, apat na cartridges ng 40MM M203 grenade launcher ammunition, isang long magazine para sa m16 rifle at isang short (plastic) magazine para sa m16 rifle.

Ang mga nasamsam na pampasabog at mga bala ng iba’t-ibang kalibre ng mga baril ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Nueva Ecija Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit para sa disposisyon nito. Elsa Navallo