Mga balotang walang pangalan ng isang prexy candidate ipinababalik

Mga balotang walang pangalan ng isang prexy candidate ipinababalik

April 25, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nananawagan ang Philippine Embassy sa New Zealand sa mga Pilipino na nakatanggap ng balota kung saan walang nakalagay na pangalan ng isang presidential candidate na agad itong ibalik sa diplomatic post upang maberipika.

Matatandaang naiulat ng isang Pilipino sa New Zealand na natanggap nito ang balota kung saan wala ang pangalan ni Vice President Leni Robredo mula sa listahan ng mga kandidato. Kumalat ang larawan ng balota sa social media nitong weekend.

“Anyone who claims they have received a ballot with an erasure/non-appearance of any of the entries is requested to return the entire ballot package to the embassy so that we can verify the claim. The embassy is coordinating with the COMELEC accordingly,” pahayag ng embahada.

Subalit ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcianitong Linggo,  “fake news” ito dahil lahat ng Halalan 2022 ballots ay serialized at inimprenta gamit ang iisang template.

Umarangkada ang overseas voting nitong Abril 10 at matatapos sa Mayo 9.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Wellington na “committed to upholding the integrity of the national elections as we stand by our oath as career civil servants to uphold the values of patriotism, integrity, professionalism, excellence.” RNT/SA