Mga bangka sa Julian Felipe Reef panandalian lang – Tsina

Mga bangka sa Julian Felipe Reef panandalian lang – Tsina

April 8, 2021 @ 9:19 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Iginiit ng Chinese Foreign Ministry na ang natitirang 44 na bangkang-Tsina sa Julian Felipe Reef ay panandalian lamang.

“I believe I’ve just made it very clear. China has no such plan,” ani Chinese Foreign Ministry spokesman Zhao Lijian sa kanilang arawang briefing.

Muli ring pinasinungalinga ng tagapagsalita na pinatatakbo ng Chinese militia ang mga nasabing bangka.

“It is a customary practice running over a thousand years for Chinese fishing boats to work and shelter in relevant waters. I don’t know why relevant sides refer to the Chinese fishermen as ‘maritime militia.’ It shows malicious intent driven by ulterior motives,” ani Lijian.

“It is completely normal for Chinese fishing vessels to fish in the waters and take shelter during rough sea conditions,” dagdag pa niya.

Iginiit din ni Lijian na hindi kinikilala ng Tsina ang 2016 international arbitral ruling, na pumabor sa Maynila ukol sa katubigan sa West Philippine Sea, kung saan muli niyang sinabi na ang Reef o Niu’e Jiao ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina.

“The Tribunal’s Award in the ‘South China Sea Arbitration’ is illegal, null and void. China neither accepts nor recognizes the award, and we firmly oppose any claims or actions based on the award,” giit pa niya.

Dahil dito, panawagan ng Tsina sa Pilipinas na tignan ang isyu “objectively” nang wala umanong ibinibigay na negatibong reaksyon na makaapekto sa relasyon ng Maynila at Beijing.

“We hope the Philippines will look at this objectively and correctly, immediately stop wanton hype-up, and avoid casting negative influence on bilateral relations and the overall peace and stability in the South China Sea,” aniya pa. RNT


  •  
  •  
  •