Mga bangkay sa sementeryo lumangoy sa mga kabahayan

Mga bangkay sa sementeryo lumangoy sa mga kabahayan

February 27, 2023 @ 6:30 PM 4 weeks ago


MOZAMBIQUE – Nagsilutangan ang mga bangkay sa isang sementeryo at mistulang lumangoy ang mga ito patungo sa mga kabahayan at taniman sa isang lugar sa Mozambique makaraang tamaan ito ng malakas na bagyo na lumikha ng malaking baha.

Nagaganap ang pangyayari habang sinusulat ito sa Umbeluze River, sakop ng Maputo, kabisera ng bansa.

Ayon sa mga awtoridad, habang unti-unting humuhupa ang baha, kinokolekta na rin nila ang maraming bangkay upang ilayo sa mga kabahayan sa dahilang maaaring pagmulan umano ang mga ito ng sakit at iba pang hindi magandang pangyayari.

Galing ang mga bangkay sa isang 30-taon nang sementeryo sa lugar.

Katatapos lang hagupitin ng malakas na bagyong si Freddy ang nasabing bansa. RNT/FC