Mga bansang ‘di nagbabawas ng carbon emission, parusahan – Digong

Mga bansang ‘di nagbabawas ng carbon emission, parusahan – Digong

May 24, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dapat lang parusahan ang mga bansa na mabibigo na bawasan ang kanilang carbon emissions.

“Unless the industrialized countries would really help with all their might and commit to reduce the carbon emissions, medyo wala tayong ano dyan eh. Unless they come to their senses actually, they cannot expect the smaller nations with the least carbon emissions na pipilitin nila na sumunod, tapos sila ayaw,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“Unless may mga sanctions, kasi mahirap mapasunod,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang diin ng Pangulo na ang “less developed countries” gaya ng Pilipinas ang nagdurusa mula sa epekto ng climate change na kadalasan ay sa “form of natural disasters” gaya ng bagyo.

“The least contributor sa carbon emissions, but when there’s a calamity, tayo—especially countries kagaya natin, the first country facing the pacific—tayo ang mauna,” anito.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang mga bansa na magpartisipa “with full commitment” sa pagsisikap na mabawasan ang carbon emissions.

“Kasi kung ang ginagawa ng ano walang sanctions, ang ginagawa ng mga mayayaman and the industrialized countries, they just pay a lip service—nothing more,” anito.

Samantala, sasabihin naman ni Climate Change Commission Secretary Robert Borje kay Pangulong Duterte sa nalalapit na climate conferences, ipagpapatuloy ng Philippine delegation na itaas ang “urgency” ng climate emergency at manawagan ng accountability o pananagutan sa mga industrialized nations sa kanilang nagawa at kailangan nilang gawin.

“What we need is action, not commitment,” ayon kay Borje.

Tinanong naman ni Pangulong Duterte si Borje kung makakaya nitong “raise hell in the next meeting.”

Ang tugon naman ni Borje ay “We will do everything that we can, given your mandate to us, not just the clarion call but to give all our stakeholders and should be partners a realization that this cannot happen any further.”

Sinabi naman ng Chief Executive na dadalo siya sa susunod na climate change convention, upang sa gayon ay makapag-lecture siya sa industrialized nations at mapag-usapan ang mga concerns ng maliliit at “less developed nations.” Kris Jose