Mga bansang idaragdag sa red list vs Omicron variant pag-uusapan pa ng IATF

Mga bansang idaragdag sa red list vs Omicron variant pag-uusapan pa ng IATF

December 15, 2021 @ 1:33 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Inter-Agency Task Force ang ilang mga bansa na may local transmission ng Omicron variant sa red list, ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH).

“[W]e have discussed yesterday that maybe countries with local transmission already, as had been announced, will be included as part of the discussions in the coming days,” ani Vergeire sa CNN.

Nilinaw naman nito na ang presenya ng Omicron variant ay hindi salik sa klasipikasyon ng red list countries.

“[T]he metrics stay, so we’re looking at the incidence rate or the number of new cases in each country in the world. Also, we’re looking at how fast the number of cases is increasing in each of the countries… plus their testing ratio.”

“So the presence of Omicron is not part of the factors or the criteria into how we are classifying countries as to red countries,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, sinabi ng DOH na nasa 77 bansa ang may Omicron variant kung saan 33 ang may suspected o kumpirmadong local transmissions.  RNT/FGDC