Mga bata bawal munang magbiyahe – NTF



Mga bata bawal munang magbiyahe – NTF

March 17, 2021 @ 9:23 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinagbawalang magbiyahe ang mga bata ng National Task Force sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

“Walang paghihigpit sa domestic movement maliban po sa mga bata. Meron na pong anunsiyo na paghihigpit po at ibabalik po natin ang pagbabawal sa lahat ng 17 years old and below. At ganun din po sa 65 years old and above,” sinabi ni NTF spokesperson Ret. Gen. Restituto Padilla sa Teleradyo.

“‘Di muna pahihintulutan na sila ay bumiyahe sa panahon ng paghihigpit na ito para bumaba ang bilang (ng mga kaso),” giit nito.

Pahihintulutan lamang magbiyahe ang mga may edad 18 hanggang 65 taong gulang.

Una nang binawal ng mga alkalde ng Metro Manila ang paglabas ng mga menor-de-edad na epektibo mula ngayong araw. RNT/ELM


  •  
  •  
  •