Mga bata, low risk lang sa COVID; Mahihirap na bansa unahin muna sa bakuna – WHO

Mga bata, low risk lang sa COVID; Mahihirap na bansa unahin muna sa bakuna – WHO

November 25, 2021 @ 8:41 AM 3 days ago


GENEVA — Kasabay ng pagbabakuna sa mga kabataan edad 5 hanggang 17, ipinaalala ng World Health Organization na ang mga ito ay may mababang tsyansa na magkaroon ng severe COVID-19 disease.

Dahil dito, iginigiit ng WHO na dapat iprayoridad ng COVAX program ang mga mahihirap na bansa.

“As many parts of the world face extreme vaccine shortages, countries with high coverage in at-risk populations should prioritize global sharing of COVID-19 vaccines before vaccinating children, adolescents,” ayon sa paalala ng WHO.

Ang COVAX program ay binubuo ng mga nagtutulong-tulong na mga bansa para makapagpamahagi ng patas na suplay ng mga bakuna sa buong mundo. RNT