Mga bata mas posibleng tamaan ng severe cases ng monkeypox – WHO

Mga bata mas posibleng tamaan ng severe cases ng monkeypox – WHO

May 26, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng makaapekto sa mas batang age group ang severe cases ng monkeypox.

“Severe cases occur more commonly among children and are related to the extent of virus exposure, patient health status, and nature of complications. Underlying immune deficiencies may lead to worse outcomes,” pahayag ng WHO.

“The case fatality ratio of monkeypox has historically ranged from 0 to 11 % in the general population and has been higher among young children. In recent times, the case fatality ratio has been around 3–6%,” dagdag nito.

Samantala, ayon naman sa Department of Health, wala namang pinipiling edad ang monkeypox.

Gayunpaman, ipinunto nito na ang mga indibidwal na mas bata sa edad na 40 hanggang 50-anyos ay posibleng mas madaling kapitan ng sakit dahil na rin sa paghinto noon ng smallpox vaccination campaign sa buong mundo matapos na mapuksa ang sakit.

Sa ngayon ay wala pang bakuna laban sa monkeypox ang aprubado at awtorisado ng Philippine Food and Drug Administration pero maaaring gumana rito ang mga bakuna laban sa smallpox gayundin ang patuloy na pagsunod sa health protocols.

“Minimum public health standards will prevent Monkeypox transmission. Ensure to wear your best-fitted mask, ensure good airflow, keep hands clean, and keep physical distance. These also protect us against COVID-19,” saad ng DOH.

Nabatid na aabot na sa mahigit 200 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox mula sa 12 bansa sa buong mundo.

Wala pang nade-detect na kaso ng monkeypox sa Pilipinas pero tiniyak ng DOH ang paghahanda sa posibleng pagpasok ng sakit.

Bukod sa pagpapatupad ng 4-door strategy para mapaigting ang border control, naglalaan na rin ngayon ang ahensya ng mga isolation facilities sakaling may maitala nang kaso nito sa bansa. RNT/ JCM