Mga bayaning staff na rumesponde sa PGH fire, pinarangalan ng Order of Lapu-Lapu

Mga bayaning staff na rumesponde sa PGH fire, pinarangalan ng Order of Lapu-Lapu

June 3, 2021 @ 2:09 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng order of Lapu-Lapu ang mga staff ng Philippine General Hospital (PGH) na kabilang sa mga naunang naglikas ng mga pasyente at first newborn babies mula sa sunog sa pasilidad na naging banta rin sa COVID-19 sufferers.

Ang limang oras na sunog sa government-run PGH ng madaling -araw ng Mayo 16 ang dahilan para mapilitan ang dose-dosenang pasyente na dalhin sa kalapit- ospital at nag-iwan ng pinsala na umabot naman sa P50 milyong piso.

Ang mga PGH personnel na tumanggap ng Order of Lapu-Lapu mula kay Pangulong Duterte sa Malakanyang ay sina:

  • Surgeon Dr. Rodney Dofitas

  • Residents Dr. Alexandra P. Lee at Dr. Earle Ceo Abrenica

  • Nurses Esmeralda Ninto, Jomar Mallari, Kathrina Bianca Macababbad, Phoebe Rose Malabanan, Nurses Quintin Bagay, Jr.

  • Safety officers Joel Santiago at Ramil Ranoa

Ang Order of Lapu-Lapu ay ipinagkakaloob sa tao sa gobyerno o mula sa pribadong sector na nagbigay ng kanilang “extraordinary service o gumawa ng exceptional contributions para maging matagumpay ang kampanya o adbokasiya ng Pangulo.

Wala namang naiulat na namatay sa nasabing sunog sa PGH sa Maynila.

Sinabi naman ng mga hospital staff na nagsimula ang sunog sa operating room supply area matapos maghatinggabi. Kris Jose